Kung aking babalikan, hindi talaga madali ang pinagdaanan. Madalas kong nadama noon na merong halimaw sa aking likod kaya minsan ay literal akong hindi lumilingon. Alam nyo rin ba ang pakiramdam na kung pwede lang pipirma ka para matapos na ang lahat ay matagal nang ginawa? ‘yung bitterness na pumalit sa bawat pananaw mo sa buhay, at higit sa lahat ‘yung namoung galit na pati ang walang kasalanan na diyos ay nadadamay?
Kung kaya nirarapat kong itapon lahat ng mga ala-ala at sa tingin ko ay nagtagumpay naman akong limutin ka. ‘Yung mga guhit mo na tinago ko, ‘yung mga byente pesos na pinapalitan mo sa akin, ‘yung walang laman na plastic ng mineral water na ating pinagsaluhan, hanggang sa kahuli-hulihang supot ng pasalubong na binigay mo natinatago-tago ko pa ay binasura ko na. Oo, Tinago ko po ang mga ‘yun! Hindi ko na ipagkaka-ila na saksakan ako ng crap.
Moving on, hindi naman siguro kailangang maging adik na katulad ko ang isang tao para matutunang gumamit ng vicks vapor rub para sa sipon. Ayon, isang araw sinipon ako at tumungo sa lalagyanan ko ng mga gamot para maghanap ng lunas. Nakita ko ang isang nilimot na vicks na binalot pa sa plastic ng mercury drug, ito ay hindi man lang nagamit. Naalala ko pa ba? Noong tumungo tayo sa isang probinsya kasama ang mga kaibigan? Sipon na sipon ka noon kung kaya binili ko itong vicks para sa iyo ngunit hindi nabigyan ng pagkakataong ibigay.
Kung kelan pala limot na ay hindi pala talaga nalimot. ‘bat kaya ganun? May mga tao pala talagang sadyang ayaw magpalimot. Shet ka! Bigla akong na-untog, this time hindi literal Hehehe tapos nasabi sa sarili na malinaw naman na pilit mo na inaayos ang dapat ayosin at teka, baketh? Ako ba ay hindi rin nagkamali? I sometimes snap din naman ah. Hindi ata nagtutugma ang mga prinsipyo ko sa buhay lalo na pag-involve ka. Dahil ba pinipilit ko na i-justify ang sarili ko? Dahil ba takot pa rin ako kahit anong tindi pa ng boxing ang pinag-gagagawa ko?!
Ano kaya ang pwedeng gawin para ma-itama ang mali? Kasi sa tingin ko mali palang pigilan ang nagsusumigaw na kagagohan, parang sipon lang din pala na nanganga-ilangan pa rin ng vicks (lol) bago pa magkakakornihan kayo na lang po ang magtahi-tahi ng ending. Bottom line, wala palang nagagawa ang sobrang drama, mas importante pa rin palang gumawa ng tulay tungo sa pag-uunawaan at… you know the drill. Bow.
No comments:
Post a Comment