Friday, February 11, 2011

SIMPLY COMPLICATED

Simple lang naman sana - ako at ikaw, yun lang. 'bat mo pinapagulo? Have you ever noticed? Dinudugo ka sa tuwing dumudugo ako, magpapatayan ba talaga tayo? Ganda talaga ng timing mo kahit kelan. Happy Valentines!
.
Parang Diabetes lang ito na pang-habang buhay na gamotan, hindi na tayo makamove-on, siguro tutulungan na kita na burahin ako sa puso mo. Kung alam mo lang gaano ko pinilit that this wouldn't come this far. Akala mo ba ikaw lang ang lito? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Akala mo ba na ikaw lang ang nasasaktan? Inaamin ko na mukha akong matatag, akala ko rin. I made myself believe na hindi ko kailangan ng ganito pero mali pala ako, sadyang meron palang bagay na mas malakas pa sa sarili ko.
.
Huwag kang mag-alala at kahit diabetes man ay na-mamanage, wala namang imposible, I invented the concept. Hindi naman siguro hahayaan ng diyos na magdusa tayo dahil lang sa bigong pag-ibig na ito. Sana lang hindi tayo manghihinayang pagdating ng panahon na wala na tayong magagawa, sana balang araw hindi mukha ko ang lalabas sa tuwing na-iisip mo ang kahapon. May matagal na akong gustong sabihin sa iyo, when I lost consciousness once and thought I was gonna die - you came out of my mind and I was scared because life is simple too, its only one...

No comments:

Post a Comment